MEMPHIS GRIZZLIES CENTER, PINISIL SA ‘UTONG’ PARA MA-DISTRACT SA LARO

Hindi nagustuhan ng big man ng Memphis Grizzlies ang ginawang destruction sa kanya ng rookie ng San Antonio Spurs sa huling pagtatapat sa NBA action noong Miyerkules.

Tinawag ni Steven Adams ng Memphis na “dirty little bastard” ang rookie ng Spurs na si Jeremy Sochan.

Sa post ni ESPN commentator Tim MacMahon sa kanyang Twitter, naikuwento umano sa kanya ni Admas na ‘pinirat’ o pinisil siya sa kanyang utong ng San Antonio Spurs player na si Socham.

“In the last play of the game, he was messing me around — pinching me and stuff. I was like, ‘get out of here, dude!’ … He punched my nipple. I was like, ‘Get out of here, ‘ya dirty bastard!’ Trying to break my concentration,” pahayag ni Adams sa ESPN.

Samantala, inamin ni Socham sa panayam ng San Antonio Express News na parte ng kanyang strategy ang ginawa kay Adams para i-distract ang big men ng Grizzlies.

Sa kabila ng dirty tactics ni Socham, naitakbo ng Memphis Grizzlies ang panalo sa iskor na 124-122.