TULONG SA MGA APEKTADO NG MAYON, ABOT P73.9 MILLION NA

Umabot na sa halos P73.9 million na halaga ng assistance ang naipamahagi na ng gobyerno sa mga communities na apektado ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano.

Ayon sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga naipamigay na sa mga apektadong residente ay distilled water, assorted clothes, hygiene kits, tents and shelter materials, family food packs, sleeping kits at fuel.

Sa kasalukuyan umabot na sa 10,171 families o 39,057 katao na nakatira sa 26 na barangays sa Bicol region ang apektado ng patuloy na aktibidades ng Mayon.

5,466 families naman o 18,999 katao ang nasa 28 evacuation centers habang ang iba ay nanunuluyan sa mga kaanak o mga kaibigan. 

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x